DentalCare Logo
Cold Sores

Mga Cold Sore - Cold Sores - Tagalog

Ang mga cold sore ay masakit na impeksyong idinudulot ng herpes simplex virus. Kilala rin bilang mga fever blister, maaaring lumitaw ang mga blister na ito sa anumang bahagi ng katawan pero karaniwang nakikita ang mga ito sa labas ng bibig at labi. Pagkatapos mabuo, pumuputok ang mga blister para makagawa ng nakakahawang sugat na tumatagal sa pagitan ng 7 hanggang 10 araw bago maglangib.

Napakakaraniwan ng mga cold sore, at kadalasang hindi ito malala. Gayunpaman, maaaring nakakamatay ang impeksyon para sa isang taong may AIDS, maaaring magdulot ng pagkabulag kung kakalat ito sa mga mata, at meningitis kung kakalat ito sa utak.

Ano ang mga dahilan ng mga cold sore?

Ang herpes simplex virus type 1, na kadalasang nagdudulot ng mga cold sore, ay naikakalat sa pamamagitan ng mga paraan ng pagkontak gaya ng paghalik o pakikihati sa mga utensil sa isang taong naimpeksyon. Maaari din itong maipasa sa pamamagitan ng oral sex.

Kapag nalantad ka na sa herpes simplex virus, magiging dormant ito hanggang sa ma-trigger ito. Maaaring ma-trigger ang virus sa pamamagitan ng ilang paraan. Kasama sa mga dahilan ng cold sore:

  • Ilang partikular na pagkain
  • Malamig na panahon o labis na sinag ng araw
  • Mga allergy
  • Stress at kapaguran
  • Huminang immune system

Mga sintomas ng cold sore


Idinedetalye ng sumusunod na listahan ang ilan sa pinakakaraniwang cold sore:

  • Mahapdi o pakiramdam na parang tinutusok sa palibot ng labi sa mga araw bago pumutok ang blister
  • Isang maliit na blister na puno ng fluid na lumilitaw sa gilid ng mga labi
  • Isang sugat na naglalabas ng fluid bago magkaroon ng lungab

Karaniwang umaabot nang 2 hanggang 4 na linggo bago ganap na gumaling ang outbreak ng cold sore, at nakakahawa ito sa kabuuan ng panahong ito.

Maaari ding maranasan ng mga pasyenteng sumasailalim sa kanilang unang outbreak ng cold sore ang mga sumusunod na sintomas ng cold sore:

  • Pananakit ng lalamunan
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng kalamnan
  • Lagnat

Paggamot sa cold sore

Bagama’t walang lunas para sa herpes simplex virus, ang gamot para sa cold sore gaya ng mga antiviral na gamot ay makakatulong na pagalingin nang mas mabilis ang cold sore at bawasan ang dalas ng mga ito.

Kung hindi mawawala ang iyong cold sore sa loob ng dalawang linggo o kung malala ang iyong mga sintomas, dapat kang magpa-appointment para magpatingin sa doktor mo na makakapagrekomenda ng gamot sa cold sore.

Paano maiiwasan ang mga cold sore

Maaaring maging mahirap na iwasan ang mga cold sore. Gayunpaman, kung alam mo kung ano ang mga nagti-trigger sa iyong cold sore, subukang iwasan ang mga ito sa abot ng iyong makakaya. Halimbawa, kung ang araw ay trigger ng cold sore para sa iyo, maaaring maging kapaki-pakinabang na maglaan ng partikular na atensyon sa naapektuhang bahagi kapag nagpapahid ng sunscreen. Sa mga malalang kaso, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng pang-araw-araw na reseta ng antiviral na gamot.