DentalCare Logo
Canker Sores1

Mga Canker Sore (Singaw) - Canker Sores - Tagalog

Ang canker sore ay isang maliit na masakit na butas na lumalabas sa loob ng bibig. Kilala rin bilang mga aphthous ulcer, makikita ang mga mababaw na butas na ito sa ibabaw o ilalim ng dila, sa loob ng iyong pisngi o labi, sa ibaba ng gilagid o sa soft palate. Ang mga canker sore ay maaaring lumabas nang mag-isa o nang pangkat-pangkat at pabalik-balik.

Bagama’t maaaring maging masakit ang mga canker sore, karaniwang kusang mawawala ang mga ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Bagama’t laging napagkakamalan, hindi magkatulad ang mga canker sore at cold sore, na mula sa herpes virus. Hindi katulad ng cold sore, ang mga canker sore ay hindi lumalabas sa labi at hindi ito nakakahawa.

Ano ang dahilan ng canker sore?

Bagama’t hindi alam ang eksaktong dahilan ng ganitong uri ng singaw, mga hereditary na salik, stress o pinsala sa tissue ang mga malamang na dahilan ng mga canker sore sa gilagid, dila o soft palate. Maaari ding magdulot ng canker sore ang mga pagkaing acidic o citrus, gayundin ang matutulis na ngipin, braces o pustisong mali ang sukat. Maaari ding tumaas ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga canker sore dahil sa paninigarilyo at mga allergy. Sa ilang kaso ng canker sore, maaaring mabigyang-diin ang nakatagong kundisyon ng kalusugan, kasama na ang mga problema sa nutrisyon at immune system, at gastrointestinal tract disease.

Mga sintomas ng canker sore


Kasama sa mga sintomas ng mga canker sore ang:

  • Isang maliit, mababaw at symmetrical na sugat na kulay puti, gray o dilaw at napapalibutan ng pamumula
  • Isang masakit na sugat sa loob ng iyong bibig na maaaring lumabas sa ibabaw o ilalim ng dila, sa ibaba ng gilagid, sa loob ng pisngi o labi o sa soft palate
  • Paghapdi o pakiramdam na parang tinutusok ng karayom bago lumabas ang sugat

Sa mga malalang kaso, ang canker sore ay maaaring may kasamang isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas:

  • Mga namamagang lymph node
  • Pantal
  • Pananakit ng kasu-kasuan
  • Pagtatae
  • Lagnat
  • Pagiging mabagal

Kung nakakaranas ka ng canker sore at alinman sa mga sintomas sa itaas, dapat kang bumisita sa iyong dentista o doktor.

Paggamot sa canker sore

Bagama’t ang mga canker sore ay maaaring maging masakit sa umpisa, dapat itong mabawasan sa loob ng unang ilang araw at dapat na tuluyang gumaling ang mga singaw nang walang paggamot sa loob ng humigit-kumulang isa hanggang dalawang linggo.

Kung ang iyong canker sore ay magpapatuloy, hindi pangkaraniwang malaki o partikular na masakit, o kung kumakalat ang mga sugat, maaaring magreseta ang iyong doktor ng corticosteroid ointment o antimicrobial na pangmumog. Maaari ding magrekomenda ng mga over-the-counter na solusyon para mabawasan ang pananakit at iritasyon.

Inirerekomenda ring magmumog ng maligamgam na water solution at iwasag kumain ng anumang mga acidic, citrus o maanghang na pagkain na maaaring magdulot ng iritasyon sa sugat.

Paano maiiwasan ang mga canker sore


Bagama’t hindi magagamot, magagawa mong iwasan ang mga canker sore at bawasan ang dalas ng mga ito sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod:

  • Umiwas sa chewing gum na maaaring magdulot ng iritasyon
  • Umiwas sa mga citrus na prutas, acidic na gulay at maanghang na pagkain na maaaring magdulot ng iritasyon sa loob ng iyong bibig
  • Gumamit ng sipilyong may malambot na bristle para sipilyuhin ang iyong mga ngipin
  • Magsipilyo pagkatapos kumain at araw-araw mag-floss